CASH SUBSIDY, 5000 to 8000 pesos paano nga ba makuha?

Mula nang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi na makatatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda mula sa gobyerno ang bawat mahihirap na pamilyang Pilipino, marami na nagtatanong kung papaano, saan at kailan nila ito makukuha.

Ang matatanggap na ayuda ay batay sa regional minimum wage sa rehiyon na kinaroroonan:

-P8,000 sa mga nasa Metro Manila
-P6,500 sa mga taga-Regions III at IV-A
-P6,000 sa Regions VI, VII, X, at XI
-P5,500 sa Regions I, II, at Cordillera Administrative Region
-at P5,000 sa Regions IV-B, V, VIII, IX, XII, CARAGA, at ARMM.

Ayon kay Social Welfare spokesperson Irene Dumlao, tinatayang 18 milyong pamilya sa buong bansa ang nasa listahan ng gobyerno bilang low-income households.

“‘Yung napapabilang sa informal economy sector [ay] itong mga arawan, ang trabaho ‘yung apektado ng ‘no work, no pay,’” paliwanag niya.

Ang proseso ng tinatawag na “social amelioration” na pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) pero manggagaling pa rin sa mga barangay ang impormasyon ng mga pamilyang mabibigyan ng ayuda. Panoorin.

Panoorin dito:

About the author

hamaliel14

This is my Personal Blog Thank you for visiting my site!

Pinoy Wonder give you information and inspiration…

Welcome to my Blog.. keep browsing ang enjoy!!!

View all posts

1 Comment

  • Viagra Professional [url=https://ascialis.com/]cheap cialis online canadian pharmacy[/url] Levitra Peligroso Cialis Universaldrugservices

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *