Grade 12 student fans, pay tribute to Kobe Bryant

Photo courtesy: BAYAN MO, IPATROL MO/FACEBOOK

Viral ngayon sa social media ang isang grade 12 student matapos nitong iguhit sa pisara gamit ang chalk ang kanyang iniidolong si NBA legend Kobe Bryant.

Nasawi sa isang helicopter crash si Kobe at ang kanyang dalagitang anak na si gigi, kabilang ang pitong sakay nito,
maging ang piloto ng helicopter ay hindi nakaligtas,
habang patungo sa isang basketball game nitong Enero 26, nagdadalamhati rin ngayon ang kanyang mga Pilipinong taga suporta. Lahat ng pinoy fans ay nalungkot sa masamang balita na pumanaw na si Byant sa edad na 41 anyos.

Kaya naman isa ang grade 12 student na si John Herbert Santiago ang nagbigay-pugay sa NBA superstar na si Kobe Bryant.

Iginuhit ni John si Bryant sa pisara ng kanilang classroom gamit lamang ang chalk.

Labis na hinangaan ng mga netizen ang talento ni John sa pagguhit dahil kuhang-kuha kasi nito ang mukha ni Kobe.

Si John Herbert ay kasalukuyang nag-aaral sa Panipuan High School, sa kanyang simpleng paraan, nais niyang bigyan ng tribute ang idolo. Katunayan, ayaw din itong ipabura ng kanyang class adviser.

About the author

hamaliel14

This is my Personal Blog Thank you for visiting my site!

Pinoy Wonder give you information and inspiration…

Welcome to my Blog.. keep browsing ang enjoy!!!

View all posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *